PINAHIHINTULUTAN na ng European Union (EU) ang Japanese Pharmaceutical Company na maglabas ng kanilang dengue fever vaccine.
Ito na ang pangalawang bakuna na inaprubahan ng EU na pumipigil sa pagdami ng kaso ng sakit na dengue.
Ayon sa pharmaceutical, ang kanilang vaccine na ibinebenta bilang QDenga ay nabigyan ng approval ng European Commission nito lamang Huwebes para sa mga edad apat pataas.
Kaugnay nito, naaprubahan din ang QDenga sa Indonesia kamakailan para sa mga anim na taong gulang pataas.
Matatandaang hindi naging maganda ang kinahinatnan ng paglulunsad ng Dengvaxia vaccine sa Pilipinas dahil sinasabing naging sanhi ito ng kamatayan ng mga batang mag-aaral.
Patuloy ang imbestigasyon dito. DWIZ882