2ND DOSE NG SPUTNIK VACCINES SINUSPINDE

SINUSPINDE ng pamahalaang lokal ng Pateros ang pagbibigay ng ikalawang dose ng Gamaleya na Sputnik V COVID-19 vaccine sa mga residente dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.

Nakatakda sanang tumanggap ng ikalawang dose o Component II ng Sputnik V ang ilang residente ng munisipalidad ngayong araw ngunit nagkaroon ng delay sa pagdating ng bakuna.

Dahil dito, pinayuhan muna ang mga naka-schedule para sa 2nd dose ng Sputnik V na huwag na munang magtungo sa vaccination centers dahil wala pang supply na maipagkakaloob sa kanila.

Nakapaloob sa Advisory No. 76 ng National COVID-19 Vaccination Operations Center na nagsasabing “a delay of three (3) to six (6) months is still acceptable if COVID-19 vaccine delivery is affected by the global vaccine supply.”

Naunang naglabas ng advisory ang naturang center noon Agosto 15 na nag-aabiso ng delay sa delivery ng ikalawang dose ng Sputnik V vaccines at noong Agosto 31 ay dumating ang 15,000 doses ng Sputnik V second dose sa bansa.

Matatandaan na noong nakaraang Hulyo ay inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng manufacturer na i-revise ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Sputnik V at i-extend ang dose interval nito mula 21 hanggang 42 araw.

Gayunpaman,nitong Agosto 30 ay nalampasan ng munisipalidad ang 100 porsiyento ng kanilang target population na 56,000 o 80 porsiyento ng kanilang populasyon na 70,000 para sa unang dose.
Para naman sa ikalawang dose ay nakapagbigay ng bakuna ang munisipalidad sa 70 porsiyento ng kanilang target population o katumbas ng 39,200 indibidwal. MARIVIC FERNANDEZ

15 thoughts on “2ND DOSE NG SPUTNIK VACCINES SINUSPINDE”

  1. 42765 893040I cannot thank you fully for the blogposts on your web page. I know you placed plenty of time and effort into all of them and hope you know how considerably I appreciate it. I hope I will do precisely exactly the same for an additional individual at some point. Palm Beach Condos 149712

  2. 745527 216886just couldnt leave your web site before suggesting that I truly loved the regular info a person supply for your visitors? Is gonna be once again ceaselessly to check up on new posts 283131

  3. 79007 19764Superb post. I was checking constantly this blog and Im impressed! Quite beneficial data specially the last part I care for such details much. I was seeking this specific details for a long time. Thank you and finest of luck. 196694

Comments are closed.