2ND GM NORM NAKAMIT NI DIZON

PINOY CHESSERS

NAKOPO ni International Master Daniel Quizon ang ikalawang GM norm sa kailangang tatlong requirement para sa coveted grandmaster title sa katatapos na AQ Prime ASEAN Chess Championship Invitational closed round-robin tournament category 6 sa Great Eastern Hotel sa Quezon City.

Tumapos si Dizon sa torneo sa solong unahang puwesto na may natipong 7.5 points mula sa 6 wins, 2 losses at 3 draws sa 11 outings tungo sa top prize USD2,000 sa event na inorganisa ni IM Roderick Nava ng Kamatyas Chess Club at sinuportahan ni AQ Prime Proprietor/President Atty. Aldwin Alegre.

“I will always be grateful to those who supported me towards my achievement of getting my 2nd of 3 required GM norms,” pahayag ni Quizon patungkol sa walang sawang pagsuporta nina Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., Mayor Jenny Barzaga at national coach FM Roel Abelgas sa kanyang kampanya.

Ang 19-year-old Filipino na natalo sa kanyang first two matches ay nagwagi laban sa kababayang si IM Rolando Nolte tangan ang black pieces sa final round.

Sa laro na transposed sa King’s Indian defense, Bayonet Attack variation ay nakakuha si Quizon ng pawn sa middlegame tungo sa 57-move victory.

Si Quizon ay galing sa upset win kay top seed Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia noong Biyernes.

Naisukbit ni Quizon ang kanyang first GM norm matapos magkampeon sa Eastern Asia Juniors Chess Championship noongAgosto 2018 sa South Korea. Kinakailangan na lamang ni Quizon ng isang norm tungo sa GM title.

Target ni Quizon na makasama sa growing list ng Filipino grandmasters na kinabibilangan nina Eugene Torre, late Rosendo Balinas Jr., Rogelio Antonio Jr., Bong Villamayor, Nelson Mariano, Mark Paragua, Wesley So, Darwin Laylo, Jayson Gonzales, John Paul Gomez, Joseph Sanchez, Roland Salvador, Rogelio Barcenilla, Julio Catalino Sadorra, Oliver Barbosa, Richard Bitoon at Enrico Sevillano.

MARLON BERNARDINO