BULACAN – BUKAS na para sa mga Bulakenyo ang Joni Molecular Lab, sa bayan ng Bocaue.
Ito ay pinangunahan nina Senator Joel Villanueva at Gov. Daniel Fernando at ilang mga Mayor sa lalawigan.
Ayon kay Exec. Dir. Roy de Rosario, nasa 1,500 ang kayang isailalim sa swab test kada araw, na expandable hanggang 5,000 swab test.
Aniya, aabot lamang sa 24 oras bago makuha ang resulta ng test, gamit ang Ginfinder testing kits mula sa bansang Germany.
Acurate ng 100% ang naturang testing kit, na babayaran lamang sa halagang P2,000.
Bukas din aniya ito sa mga walk-in, COVID-19 patients mula sa labas ng Bulacan na kailangan lamang magbayad ng P3,000.
Una nang nagbukas ang Molecular Laboratory sa Bulacan Medical Center.
Samantala, pangangasiwaan nina Dra. Alma Radovan-Onia, Pres/CEO and Medical Director – Marilao Medical & Diagnostic Center, Inc. (MMDC) at Cenon Mayor, Marketing Director.
Nagpasalamat ang senador sa liga ng mga alkade sa lalawigan na kasamang nagtaguyod ng kanyang namayapang kapatid na si Mayor Joni Villanueva para makatulong sa panahon ng pandemya. THONY D ARCENAL
Comments are closed.