PINASINAYANAN ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang ikalawang solar power farm na matatagpuan sa Barangay Tagalag, na pinangunahan ni Mayor Rex Gatchalian, kasama ang representatives mula sa Eco-Park Energy ng Valenzuela Corporation at iba pang opisyal ng lungsod.
Ang ikalawang in-city solar power farm na pag-aari ng Eco-Park Energy ng Valenzuela Corporation ay gumagamit ng libo-libong high-grade solar panels na may lawak na 17-hectare sa Barangay Tagalag.
Ayon sa management team ng Eco-Park Energy ng Valenzuela Corporation, ang solar farm ay maaring makabuo ng hanggang sa 20.69 megawatt ng electricity.
Makikinabang sa Tagalag solar farm ang taga-lungsod dahil makapagbibigay ito ng trabaho sa Valenzuelaños lalo na sa Brgy. Tagalag. VICK TANES
Comments are closed.