2ND TRANCHE BENEFICIARIES PINAHAHANDA NA NG DILG

DILG Secretary Eduardo Año-3

INATASAN  ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  local government units  na ihanda at isumite ang listahan ng mga pamilya na maaring makatanggap ng ikalawang tranche ng ayuda   sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno.

Hanggang  Mayo 21  lamang ang ibinigay ng DILG sa mga LGU para maisumite ang listahan ng mga pamilyang maaring mabiyayaan ng ikalawang sigwada ng ayuda.

Sinabi  ni DILG Secretary Eduardo Año  na kabilang dapat sa isusumiteng listahan ng  mga benepisyaryo ng second tranche ang mga low-income families pagkatapos ay saka ito iba-validate ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa kalihim, posibleng masama sa listahan ang mga hindi nabahagian ng unang tulong pinansiyal sa SAP na ipinamahagi nitong buwan ng Abril.

Tiniyak ni  Año na  mabibigyan ng ayuda ang mga pamilyang mapapasama sa listahan basta’t kuwalipikado  sa panuntunan ng DSWD.

“’Wag po kayong mag-alala, tutulungan po kayo ng ating pamahalaan. We are giving the LGUs three days to submit their initial list to us in DILG and to the DSWD which in turn will validate that list,” wika ng kalihim.

Muling nagbabala  si Año sa mga opisyal ng barangay na hindi nila sasantuhin ang mga ito sakaling dayain nila ang listahan. PILIPINO MIRROR Reportorial Team

5 thoughts on “2ND TRANCHE BENEFICIARIES PINAHAHANDA NA NG DILG”

  1. 614592 515912Exceptional weblog here! Furthermore your internet site rather a good deal up quick! What host are you the usage of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as fast as yours lol 760371

Comments are closed.