2ND TRANCHE NG CASH AID TARGET MAIPAMAHAGI NGAYONG LINGGO

SISIKAPIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na masimulan ang pamamahagi ng second tranche ng cash assistance sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan ngayong linggo kapag natapos na ang validation process at nasertipikahan ang master list ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Sa isang press briefing, sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na handa na silang ipamigay ang second tranche ng ayuda ngunit kailangan muna nilang hintayin na matapos ang validation process sa master list.

Mahalaga, aniya, ang validation process upang matiyak na mapupunta sa mga kuwalipikado ang cash aid na mula P5,000 hanggang P8,000, depende sa minimum wage ng rehiyon ng mga benepisyaryo.

Kung masisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi ng ayuda, target ng DSWD na matapos ito agad ngayong Hunyo sa tulong ng ReliefAgad App.

Pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang paggamit ng digital payments.

Sa datos ng DSWD, sa first tranche ng cash aid ay mahigit ₱99.7-B ang naipamahagi sa 17.6 milyong benepisyaryo.

2 thoughts on “2ND TRANCHE NG CASH AID TARGET MAIPAMAHAGI NGAYONG LINGGO”

  1. 257962 748099Get started with wales ahead practically every planking. Ones wales truly are a compilation of huge planks one particular depth advisors definitely may be the identical towards the entire hull planking even so with even larger density to successfully thrust outward beyond the planking. planking 913141

Comments are closed.