2ND TRANCHE NG SAP IPAMAMAHAGI SA SUSUNOD NA LINGGO

Rene Glen Paje

SISIMULAN  nang ipamahagi sa susunod na linggo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga benepisyaryo nito.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, kailangan pa kasi ng ‘finishing touches’ sa unang bugso ng pamamahagi ng SAP, kaya’t maaring masimulan na sa susunod na linggo ang ikalawang bugso ng distribusyon nito.

Paliwanag ni Paje, nagkaroon kasi ng bahagyang delay sa distribution process ngayon dahil sa beripikasyon nito sa mga benepisyaryo at dahil na rin nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 11 SAP workers, habang nasa 900 naman ang na-quarantine.

Matatandaang, nasa P5,000 hanggang P8,000 ang itinakdang matanggap ng mga benepisyaryo ng SAP bilang ayuda dahil sa epekto ng CO­VID-19. DWIZ882

Comments are closed.