AABOT sa 6,317 pamilya na benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ang nakatatanggap na ng kanilang 2nd tranche na nagkakahalaga ng P8,000.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, mayroong 26,557 pamilya ang benepisyaryo ng SAP sa lungsod na nauna nang nakatanggap ng kani-kanilang 2nd tranche ng cash aid sa parehong halaga ang may 20,350 pamilya na ipinamahagi noong Oktubre 21 hanggang Nobyembre 4.
Ani Calixto-Rubiano, ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng text message na magsasabi na maari na nilang makuha ang P8,000 cash aid sa Robinson’s Bank at hakbang kung papaano nila makukuhaang naturang ayuda.
Ang Robinson’s Bank (RBank) ay ang financial provider na itinalaga ng DSWD central office para sa huling Pasay payout at ang mga ATM ng naturang bangko kung saan makukuha ng mga benepisyaryo ang ayuda ay matatagpuan sa Zamora Elementary School; Barangay 183 Barangay Hall; Barangay 54 covered court na may dalawang ATM machines; RBank MOA Branch; RBank Domestic Road at Mini-Stop sa Merville.
Ipinaliwanag naman ni Pasay Social Welfare and Development Division (PSWDD) Officer-in-Charge Potchoy Sahirul na ang batch ng benepisyaryo na makakukuha sa RBank ay ang mga may contact numbers na nakalista sa Social Amelioration Card (SAC) na ang kanilang mga records ay dumaan na rin sa beripikasyon ng naturang bangko.
“The first tranche of SAP beneficiaries in Pasay City total to 42,129. Sila yung mga nabigyan ng P8k nung unang tranche, around April to May yun pero hindi na nabigyan ulit. Hiwalay ito sa mga benepisyaryo na nasa kategorya ng mga waitlisted ngunit kinalaunan ay nakatanggap ng buong cash aid sa halagang P16,000,” ani Sahirul. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.