UMARANGAKADA na ang second round na tatlong libong pisong cash assistance at food packs para sa mahigit 13,000 na pamilya ng Palayan City sa Nueva Ecija noong nakaraang linggo pa.
Sinimulan na rin ang libreng rapid Covid testing para sa mga Palayanos sa pangunguna ni Mayor Rhianne Cuevas na isa ring licensed nurse.
Ayon kay Mayor Rianne Cuevas, binigyan nila ulit ng tig-3 thousand pesos ang bawat pamilya at kalahating timbang bigas, mga gulay, karne, at de lata para maitawid ng mga kababayan niya ang krisis na ito.
“Hindi po lahat nabigyan ng SAC ng DSWD dito po sa amin pero siniguro po namin na walang magugutom kahit hindi sila napasama sa listahan ng DSWD dahil ang lokal na pamahalaan na ang pupuno ng kakulangan na iyon”.
Una, hanggang ikalawang linggo ng Abril namigay ng first wave ng mga food packs at tatlong libong piso si Mayor Cuevas sa mga constituent niya kabilang na ang pagbibigay ng mga facemasks at personal protective equipments sa mga front-liner ng naturang lungsod.
Inamin ni Cuevas na animnapung porsiyento lang ng kababayan niya ang nabigyan ng social amelioration cash kung kaya’t namigay ito ng three thousand pesos bawat pamilya na nakatanggap man ng SAC o hindi.
“Hindi ko po kasi matiis na iyong ilan meron pero marami rin ang hindi naabutan ng pera ng pamahalaan kung kaya’t lahat na lang po ng pamilya dito ay pinabigyan ko ng tatlong libong piso kasama ng mga pagkain.”
At para masiguro na walang bawas ang pinamimigay na cash ni Mayora, mismong si Mayor at ilang mga tauahan nito ang nag-abot ng pera at tulong sa mga residente ng Palayan City.
Comments are closed.