MAYNILA – TINIYAK ng pulisya na secured ang pagsusulit ng mahigit 2,000 examinees sa University of Santo Tomas (UST) kahapon.
Sa ulat, maaga pa lamang ay nakaposte na ang mga tauhan ng Manila Police District sa paligid ng UST sa Sampaloc upang matiyak ang seguridad at kapayapaan habang isinasagawa ang pagsusulit.
Mas marami ring mga tagasuporta ng mga bar examinee ang nakita sa ST. May mga bitbit silang tarpaulin, habang mayroon ding nagdala pa ng Sto. Niño o poon.
Muli namang pinayuhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta, dahil sa inaasahang mabagal na daloy ng trapiko sa España Boulevard sa kasagsagan ng bar exams.
Sa abiso rin ng MPD Traffic Enforcement Unit, magpapatupad sila ng “stop and go traffic” sa mga sasakyan sa P. Naval Street, AH Lacson Avenue at España Boulevard. Ito ay para sa drop-off at pick-up time sa bar examinees.
Mahigpit na ipagbabawal din ang pag-park sa bisinidad ng UST upang masiguro na maayos ang traffic flow sa lugar. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.