Mga laro sa Martes:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m – Terrafirma
vs NLEX
7:30 p.m. – Meralco
vs Rain or Shine
NAGING bayani sina Alec Stockton at Justin Arana sa second half upang tulungan ang Converge na gulantangin ang Magnolia, 93-91, at makabalik sa winning track sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Naitala ni Stockton ang 16 sa kanyang 18 points sa second half at ni Arana ang 14 sa kanyang 24, bukod sa pakikipagtuwang para sa pinakamalaking play ng laro na nagselyo sa paghahabol ng FiberXers mula sa hanggang 20- point deficit.
Matapos ang nag-iisa niyang tres na nagtabla sa talaan sa 91-all, nakita ni Stockton si Arana sa loob para sa unmolested undergoal stab at binigyan ang Converge ng 93-91, may 5.6 segundo sa orasan.
Pinutol ng FiberXers ang nalalabing oras sa pamamagitan ng foul at tap-out, na nagbigay sa Hotshots ng 2.6 segundo lamang para kahit man lamang makatabla.
Gayunman ay nagmintis si Magnolia’s Jerick Ahanmisi sa isang stepback triple, nagbigay-diin sa endgame struggle ng koponan habang opisyal na nagbigay sa Converge ng 2-1 kartada, at bumawi mula sa 106-117 sa Hong Kong Eastern sa kanilang huling laro.
“We just ground it out. That team is a perennial title contender. It’s a champion team laden with talent. We’re lucky to escape this. But the biggest thing there probably is we leveraged on our system,” sabi ni FiberXers coach Franco Atienza.
“Winning something like this, it’s like a playoff game. It’s a good win for a young team like us, this is what makes us ballers. Running the system on both ends of the floor, believing in the system even if you’re facing a 20-point lead with what, 16, 18 minutes left?” dagdag pa ni Atienza.
“It’s impossible. But the only thing that brought us there is the belief of the players. They just didn’t give up. We’re just happy to get this win.”
Nahulog ang Magnolia sa 1-1.
CLYDE MARIANO
Iskor:
CONVERGE (93) – Arana 24, Stockton 18, Racal 10, Diallo 10, Heading 8, Santos 8, Andrade 5, Winston 5, Nieto 3, Delos Santos 2.
MAGNOLIA (91) – Ratliffe 25, Lastimosa 14, Sangalang 12, Ahanmisi 12, Lee 10, Lucero 10, Barroca 6, Laput 2, Dela Rosa 0, Dionisio 0.
QUARTERS: 22-26, 38-53, 67-75, 93-91