Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
3 p.m. – TNT vs Meralco
6:15 – Ginebra vs Blackwater
MAAGANG nag-init si Ivan Aska at pinangunahan ang San Miguel Beer sa 105-96 panalo laban sa Converge sa road game ng PBA Commissioner’s Cup nitong Sabado sa Tiaong, Quezon.
Naitala ni Aska ang 13 sa kanyang 28 points sa opening quarter at pagkatapos ay nanalasa sina CJ Perez at June Mar Fajardo para tulungan ang Beermen na makopo ang ikalawang sunod na panalo matapos ang upset loss sa kanilang season debut laban sa NLEX.
Nagbuhos sina Aska, Perez at Fajardo poured ng hindi bababa sa tig- 22 points kung saan nagsagawa ang Beermen ng virtual scoring clinic sa kanilang pagbabalik sa Tiaong Convention Center.
Sa preseason On Tour series, ang Beermen ay yumuko sa Meralco Bolts na wala si Fajardo at ang iba pang SMB big guns.
Subalit sa pagkakataong ito ay walang makapipigil sa Beermen makaraang magtala ng twin-digit leads sa opening quarter pa lamang.
May 45.5-percent shooting clip, pinalobo ng Beermen ang kalamangan sa hanggang 18 points bagama’t kinailangan nilang apulahin ang mainit na paghahabol upang ipalasap sa FiberXers ang kanilang ika-4 na kabiguan sa torneo. Kumalawit si Aska ng 11 rebounds bukod sa kanyang game-high output, kumamada si Perez ng sarili niyang double-double na may 24 points at 11 boards habang nag-ambag si Fajardo ng 22 at 9.
Kumamada si Aljun Melecio ng 17 points upang pangunahan ang FiberXers na nakakuha lamang ng 11 mula kay import Tom Vodanovich.
Nahirapan ang FiberXers na may 36.3-percent shooting.
CLYDE MARIANO