2ND WIN TARGET NG ALTAS

ALTAS

Mga laro ngayon:

(EAC Gym, Manila)

2 p.m.- UPHSD vs EAC (jrs)

4 p.m.- UPHSD vs EAC (srs)

PUNTIRYA ng University of Perpetual Help System Dalta ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa EAC Gym sa Taft, Manila.

Nakatakda ang laro sa alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng kanilang juniors counterpart.

Nagpasiklab si Edgar Charcos, isang rookie transferee mula sa University of the East, sa kanyang unang dalawang laro sa Altas kung saan may  average siya na 20.5 points sa nakapanlulumong 65-67 pagkatalo sa San Beda Lions at sa 78-75 panalo laban sa Letran Knights.

Si Charcos, umako sa full backcourt duties makaraang mawala si veteran Kieth Pido sa line-up sa buong season dahil sa broken foot, ay kuminang sa panalo kontra Letran sa pagbuhos ng career-high 27 points.

“He’s a big reason why we’re playing like this, I’m confident he could sustain it,” wika ni Perpetual Help coach Frankie Lim patungkol kay Charcos.

Si Charcos ay kasalukuyang pumapangalawa sa liga sa scoring sa likod ni 6-9 Cameroonian Hamadou Lamanou, na may average na 24 points kada laro.

Habang impresibo ang koponan ni Charcos, ang Generals ni Laminou ay wala pang naitatalang panalo matapos ang dalawang laro.

Sinabi ni EAC mentor Ariel Season na kailangan nilang maging matatag at huwag kapusin sa huli upang manalo sa laro.

“If you’ve noticed, we’ve always finished badly. Now if we could somehow find a way to finish big, we’ll have a chance,” ani Sison.

Comments are closed.