2ND WIN TARGET NG GILAS

Gilas

MAKARAANG ilampaso ang Singapore sa kanilang unang laro,  sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Vietnam target ang liderato sa Group A ng men’s basketball action sa 30th Southeast Asian Games ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang laro sa alas-8:15 ng gabi kung saan liyamado ang mga Pinoy bagama’t inaasahan ni coach Tim Cone na bibigyan sila ng Vietna­mese ng magandang laban.

Tinambakan ng mga Pinoy ang Singaporeans noong Miyerkoles, 110-58, habang minasaker ng Vietnamese ang Myanmar 131-52.

“We’re a little bit herky-jerky. We weren’t smooth offensively. We had to make an adjustment at halftime,” wika ni Cone patungkol sa kanilang laro kontra Singaporeans.

Maghaharap ang Myanmar at Singapore sa opening game ng four-game bill sa alas-12 ng tanghali habang magbabakbakan ang Malaysia at Cambodia sa alas-2:15 ng hapon.

Sa nag-iisang wo­men’s match sa alas-6 ng gabi ay maghaharap ang Thailand at Indonesia, kung saan determinado ang Thais na masundan ang kanilang 70-47 panalo laban sa defending champion Malaysia noong Miyerkoles.

“I don’t think we’ve played our best basketball (against Singapore),” ani Cone. “I feel like our guys came out and took a serious approach. I think they’re trying to show the country that they’re gonna take a serious approach and respect the game. When you respect the game, you respect your opponent.”

Ayon kay Cone, nag-iingat sila sa Thailand, na sinimulan ang kampanya sa pagdispatsa sa Indonesia, 98-76, at sa Malaysia.

“At this point, you can’t say anything on each team now, just like Thailand beating title contender Indonesia. You can’t count out Malaysia which is constantly improving. We just play it by ear and have my other coaches do the scouting,” dagdag ni Cone.

Comments are closed.