2ND WIN TARGET NG LADY BULLDOGS, LADY FALCONS

Standings               W.  L

UST               3    0
DLSU               2    1
FEU               2    1
AdU               1    1
NU               1    1
UE               1    2
Ateneo               0    2
UP               0    2

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)

10 a.m. – NU vs AdU (Men)
12 noon – Ateneo vs UP (Men)
2 p.m. – NU vs AdU (Women)
4 p.m. – Ateneo vs UP (Women)

MAGSASALPUKAN ang National University at Adamson kung saan ang mananalo ay sasalo sa ikalawang puwesto sa UAAP women’s volleyball tournament ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Isang rematch ng Final Four noong nakaraang season, puntirya ng Lady Bulldogs at Lady Falcons ang ikalawang sunod na panalo sa 2 p.m.match.

Sisikapin ng Ateneo at University of the Philippines na makapasok sa win column sa alas-4 ng hapon sa  showdown kung saan makakaharap ni first-year Fighting Maroons coach Oliver Almadro ang  Blue Eagles sa unang pagkakataon.

Ang NU ay nahirapan sa kanilang unang dalawang laro, makaraang walisin ng University of Santo Tomas sa opening weekend at pinuwersa ng Ateneo sa limang sets bago namayani.

Ang kanyang pagbabalik sa  Lady Bulldogs sidelines ay hindi naging maganda ang simula, subalit nananatiling kumpiyansa si coach Norman Miguel na babalik din ang dating porma ng kanyang tropa sa pagpapatuloy ng season.

“Kailangang ma-relax ang mind eh. Iyon ang pinagdadaanan namin ngayon eh. Parang nago-overthink, siyempre di ba, ‘yung may mga expectations. Yun lang, para mabalik ang connection with each other,” sabi ni Miguel.

“Adamson has a good pass. May passing skills sila na kapag nakakapag-set play sila ng mabilis. So kami kailangan namin makapag-adjust doon.  Nag-adjust din kami, pinag-aralan namin ang Ateneo dahil high ball sila. Pero siyempre, ganoon pa rin nagte-training ang kabila para mapuntusan kami,” dagdag pa niya.

“The same thing, kung paano magte-train din ang Adamson, kami doubly hard ngayon na may mine-maintain kami, may talo kami. So as much as possible, tuloy-tuloy na ang wins namin. Doble trabaho talaga, blocking, passing and floor defense.”

Na-split ng Lady Falcons, nag-a-adjust pa sa paglisan ng ilang key players mula sa third place team noong nakaraang taon, ang kanilang dalawang laro sa ilalim ni bagong coach JP Yude.

Matapos matalo sa back-to-back title-seeking La Salle sa opening day, nakabawi ang Adamson sa pamamagitan ng straight-set romp sa UP.

“Ang sabi ko sa kanila na everytime, do your best and enjoy the game so that lalabas ang tunay na laro nila. Noong last game (against the Lady Spikers), medyo kumbaga na-overwhelm lang sila sa nangyayari, sa kalaban na malalaki,” sabi ni Yude.

“Sa nakikita ko sa kanila, ito na ang start na makakakuha sila ng kumpiyansa for the next game kasi matibay ang kalaban namin kasi NU,” ayon pa sa newly-minted high school girls volleyball champion mentor.

Sasamahan ng mananalo ang La Salle at  Far Eastern University sa second place sa 2-1.

Ang Tigresses ang tanging unbeaten team sa liga na may perfect 3-0 record, tampok ang mga panalo laban sa  finalists sa huling dalawangseasons.