Mga laro ngayon:
DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga
3 p.m.- Meralco vs Magnolia
6 p.m. – San Miguel vs TNT
TARGET ng Magnolia ang ikatlong sunod na panalo kontra Meralco habang babasagin ng TNT at San Miguel ang kanilang pagtatabla sa Game 3 ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals ngayon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Nakatakda ang salpukan ng Hotshots at Bolts sa alas-3 ng hapon habang magpapambuno ang Tropang Giga at Beermen sa alas-6 ng gabi.
Ang 92-78 panalo noong Miyerkoles ay nagbigay sa Magnolia ng 2-0 kalamangan sa serye at maaari itong makalapit sa finals sa isa pang panalo sa Game 3.
Nananatiling nakatutok ang Hotshots sa ensayo kung saan kapwa naniniwala sina star guard Paul Lee at coach Chito Victolero na napakahalagang mapaghandaan nila ang laro ngayong araw.
“Focus muna kami sa tomorrow’s practice,” wika ni Lee makaraang umiskor ng game-high 28 points sa panalo sa Game 2. “Kasi iyun ‘yung… kumbaga ‘yung nag-eensayo kami, ‘yung preparation namin sobrang vital going to the game. So siguro one step at a time muna.”
“We’ll just try to rest muna tonight, study the tape tomorrow morning and then prepare kung anuman magiging gameplan namin on Friday,” sabi ni Victolero.
“Of course, tulad nga ng sabi ni Paul, very vital ‘yung preparations namin and we treat every game as a very important game.
“We’ll treat the (Friday) game as possession-by-possession. We live on that. Kailangan muna naming magpahinga, makakuha ng energy again in prep-aration for tomorrow’s practice and game namin sa Friday.”
Ang istratehiya ng Hotshots ay ang paghandaan ang bawat Bolt, na tiyak na gagawin ang lahat para makabawi sa dalawang sunod na pagkatalo.
“Halos naman lahat ng players ng Meralco nag-ko-contribute. So wala kaming p’wedeng piliin. So from Chris Newsome down… mga 10 to 12 players na iyan, sobrang nag-ko-contribute,” ani Victolero.
Aniya, walang planong magkampante ang kanyang tropa.
“We will not relax. We’ll try to push hard as long as mayroon kaming limang kalaban doon,” pahayag ni Victolero at idinagdag na inaasahan niyang magiging higit na pisikal ang Game 3.
“Both teams want to win so of course they have to give their best effort,” ani Victolero. “It’s a battle of mental toughness in a physical game.”
Samantala, naitabla ng Beermen ang serye sa 1-1 makaraang maungusan ang Tropang Giga, 98-96, sa game-winning basket ni Marcio Lassiter noong Miyerkoles.
Tabla ang iskor sa 96-all, may anim na segundo ang nalalabi sa laro, nang isalpak ng laging maaasahang guard ang layup upang maipatas ng Beermen ang serye. CLYDE MARIANO
110266 25110Hi! Wonderful post! Please do tell us when I will see a follow up! 640330