Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs Columbian
7 p.m. – NLEX vs TNT
SISIKAPIN ng Phoenix Fuel Masters na makopo ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa mapanganib na Columbian Dyip sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.
Nagwagi ang Fuel Masters sa kanilang unang dalawang laro sa pamamagitan ng overtime.
Nakatakda ang salpukan ng Phoenix at Columbian sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng kapwa wala pang panalong NLEX Road Warriors at Talk ‘N Text Tropang Texters sa alas-7 ng gabi.
Makaraang sorpresahin ang defending champion San Miguel Beer sa kanilang buena manong laro noong nakaraang Biyernes, tatangkain ng Dyip na maitarak ang kanilang kauna-unahang 2-0 simula sa torneo.
Subalit batid ni Fuel Masters coach Louie Alas kung saang larangan kuminang ang Columbian nang gulantangin nito ang Beermen.
“Main concern ko is their hustle points, points off turnovers, transition points and second chance points. A total of 59 points, almost half of their output,” wika ni Alas.
“‘Di kami kailangang ma-outwork ng Dyip,” pagbibigay-diin pa niya.
Muling pangungunahan ni top rookie CJ Perez ang opensiba ng Car Assemblers laban sa Fuel Masters.
Inaasahang bibigyan ni coach Johnedel Cardel ang kanyang prized rookie at NCAA back-to-back MVP ng mahabang playing time para ma-maximize ang kanyang potensiyal at makarami ng points.
“I will give him enough playing time to compile many points like he did in his debut against SMB. Hopefully, he will live up to expectation and power the team to victory anew,” sabi ni Cardel.
Tumapos ang Columbian sa 1-10 sa katatapos ng Governors Cup na napanalunan ng Magnolia Hotshots.
Sa head-to-head, lamang ang Phoenix, 2-1, kung saan tinalo nito ang Columbian sa Philippine Cup at Governors Cup noong nakaraang season, ha-bang naungusan ng Dyip ang Fuel Masters sa Commissioner’s Cup, 115-107.
Makakatuwang ni Perez sina Jackson Corpuz, Reden Celda, Rashawn McCarthy, Jay-R Reyes, Jeremy King at Russell Escoto kontra sa mga bata ni coach Louie Alas sina Jayson Perkins, Justine Chua, JC Intal, RJ Jazul, Dough Kramer, at Alex Mallari. CLYDE MARIANO
Comments are closed.