3-1 O 2-2? BOLTS LALAPIT SA KORONA; GIN KINGS TATABLA

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

6 p.m. – Ginebra vs Meralco

(Game 5, best-of-7 finals,

Meralco abante sa 2-1)

TARGET ng Meralco ang ikatlong panalo at lumapit sa kauna-unahang korona sa PBA kontra defending champion Barangay Ginebra sa Game 4 ng best-of-7 Governors’ Cup finals ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Matapos ang panalo sa Game 3, determinado ang Bolts na palawigin ang series lead sa 3-1 sa larong nakatakda sa alas-6 ng gabi.

Ito na ang ika-4 na paghaharap ng Ginebra at Meralco sa Governors’ Cup finals kung saan sa huling tatlo ay namayani ang Kings noong 2016, 2017 at 2019.

Muling pangungunahan ni Tony Bishop ang opensiba ng Bolts katuwang sina Allein Maliksi, Chris Newsome, Jeff Hodge at Raymond Almazan.

Pinaalalahanan ni coach Norman Black ang kanyang tropa na laging maging handa dahil tiyak gaganti ang Ginebra upang itabla ang serye.

‘”Though we gained the upperhand and the momentum is on our side, we have to play above board and maintain the level of our game both offensive and defensive to win,” sabi ni Black.

Hindi naman makapapayag si coach Tim Cone na matalo ulit ang Ginebra dahil malalagay sa balag ng alanganin ang ttile retention bid ng Kings.

Kailangan maglaro nang husto sina import Justin Brownlee, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Scottie Thompson, Christian Standhardinger at Jeff Chan para mapigilan ang Meralco sa paglapit sa titulo.

Masaklap ang pagkatalo ng Ginebra sa Game 3 dahil lumamang sila ng 13 points, 43-30, sa laro ngunit  bumigay sa fourth quarter.

“We panicked down the stretch and we obviously didn’t hit shots,” sabi ni Cone. “We got a little bit selfish and we’re not moving the ball.

“It took a lot to win Game 2, we just didn’t have enough down the stretch in Game 3. And I worried about that from the beginning of the game,” dagdag pa niya.

Bago ang laro ay kokoronahan ang Best Import at Best Player of the Conference.

Sina  Brownlee at Thompson ang top favorites para sa dalawang naturang individual awards. CLYDE MARIANO