NAGBUHOS si Kevin Durant ng 42 points at nagdagdag si Kyrie Irving ng 39 habang nakontrol ng Brooklyn Nets ang second quarter at lumayo sa third tungo sa 141-126 panalo laban sa host Boston Celtics noong Linggo ng gabi sa Game 4 ng kanilang Eastern Conference first-round series.
Angat ang Nets, ang No. 2 seed sa East, sa series, 3-1, at maaaring kunin ang kanilang unang biyahe sa conference semifinals magmula noong 2014 sa Martes ng gabi sa Brooklyn. Kapag nanalo sila ay makakasagupa nila ang third-seeded Milwaukee Bucks sa second round.
Naitala ni Durant ang kanyang 12th career 40-point postseason game sa pagkamada ng 14 of 20 mula sa field at pagsalpak sa lahat ng kanyang 11 free throws. Tumapos si Durant na kapos ng isang puntos sa single-game postseason scoring ng Nets na naitala ni Vince Carter laban sa Miami Heat noong 2006.
Bumawi si Irving mula sa 6 of 17 shooting sa Game 3 noong Biyernes sa pagbuslo ng 11 of 24 overall at naipasok ang 6 sa 12 3-point attempts. Ang dating Celtics guard ay nagsalpak din ng 11 of 11 free throws at kumalawit ng 11 rebounds.
Nagdagdag si James Harden ng 23 points at playoff career-high 18 assists, kulang na lamang ng isa sa postseason record ng franchise para sa assists na naitala ni Jason Kidd kontra Toronto Raptors noong 2007.
CLIPPERS 106,
MAVERICKS 81
Kumamada si Kawhi Leonard ng 29 points at 10 rebounds upang tulungan ang Los Angeles Clippers na maipatas ang kanilang Western Conference first-round playoff series kontra host Dallas Mavericks sa pamamagitan ng 106-81 panalo sa Game 4.
Nagdagdag si Paul George ng 20 points at 9 rebounds para sa Clippers, na natalo sa unang dalawang laro sa serye sa in Los Angeles bago rumesbak sa dalawang sumunod sa road.
Umiskor si Reggie Jackson ng 15 points at nag-ambag si Nicolas Batum, na pinalitan si Ivica Zubac sa starting lineup, ng 10 points para sa Clippers, na magiging hosts sa Game 5 sa Miyerkoles ng gabi.
Nalimitahan si Luka Doncic, sumalang sa laro na may average na 38 points at 8.7 rebounds sa unang tatlong laro ng serye, sa 19 points, 6 rebounds at 6 assists dahil sa iniindang cervical strain sa kanyand kaliwang bahagi. Naipasok niya ang 9 lamang sa 24 shots mula sa field, kabilang ang 1-for-7 mula sa 3-point range.
HAWKS 113,
KNICKS 96
Tumirada si Trae Young ng 27 points upang pangunahan ang Atlanta Hawks sa 113-96 panalo kontra New York Knicks sa Game 4, na nagbigay sa kanila ng 3-1 lead sa serye.
Nagdagdag si Young ng 9 assists at nagsalpak ng apat na 3-pointers, upang iangat ang kanyang scoring total sa 110 points sa series.
Pinalawig ng Atlanta ang home winning streak nito sa 13 games, ang pinakamahabang active streak sa NBA.
Tumapos si Atlanta’s John Collins na may 22 points at 8 rebounds at naglaro sa fourth quarter na may sugat sa labi makaraang masiko ni Julius Randle.
Nakakuha rin ang Hawks ng 21 points mula sa bench kay Danilo Gallinari, 12 points kay Bogdan Bogdanovic, 11 kay Kevin Huerter, at 10 points at 15 rebounds mula kay Clint Capela.
SUNS 100,
LAKERS 92
Nalusutan ni Chris Paul ang injured shoulder at bumangon si Jae Crowder mula sa playoff slump nang pataubin ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers, 100-92.
Nagbuhos si Paul ng 18 points at 9 assists habang nagbigay si Crowder ng 17 points at kalahating dosenang players ang tumapos sa double figures para sa Suns, na naitabla sa 2-2 ang Western Conference best-of-seven playoff series laban sa reigning NBA champions.
Umiskor si Devin Booker ng 17 points, nagtala si Deandre Ayton ng 14 points at team high 17 rebounds, kumabig si Cameron Payne ng 13 at nagdagdag si Mikal Bridges ng 11 para sa Suns, na maaaring kunin ang kanilang unang kalamangan sa serte sa panalo sa Game 5 sa Martes.
Kumana si LeBron James ng team-high 25 points at humugot ng 12 rebounds para sa Lakers.
860208 773723You should take part in a contest for one of the best blogs on the web. I will recommend this internet site! 589882