NASA kabuuang 3.3 milyon bakuna na ang na-administer sa Maynila hanggang nitong Sabado ng gabi.
Ito ang inanunsyo ng City Government of Manila kahapon kasabay ng patuloy na panawagan sa publiko na magpabakuna na.
Ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan na ay umabot na sa 1.7 milyon habang mahigit 1.6 milyon naman ang fully vaccinated.
Base sa Comelec figure na eligible population para sa bakuna, ang pamahalaang lokal ay matagumpay na naabot ang 162.16 percent habang ang figures naman sa Department of Health, ang lungsod ay nakapag-rehistro ng 127.80 percent sa termino ng mga nabigyan na ng bakuna.
Ang total doses na na-administer para sa mga minors ay 275,188 kung saan 131,993 minors na kabilang general population ay fully-vaccinated na.
Ang mga tumanggap naman ng kanilang booster shots ay umabot na sa 463,929 alinsunod sa ulat ng Manila Health Department.
Patuloy naman na nagpapatupad ng ‘open policy’ na pamahalaang lungsod sa sinuman na naninirahan sa labas ng Maynila.
Apat na shopping malls at 11 community sites ang mga itinakdang vaccination sites sa lungsod habang ang vaccination ng minors ay tuloy-tuloy naman sa bagong Manila Zoo at Ospital ng Maynila para sa edad lima hanggang 17. VERLIN RUIZ