AABOT sa 3.4K trabaho ang kailangan ng Japanese manufacturing firm na nakatakdang magpalawak ng operasyon sa loob ng Subic Bay Freeport sa Olongapo City.
Nagpahayag ang Nidec Subic Phils. Corp. na nakahanda silang gumastos ng P4 bilyon sa expansion program sa paggawa ng speed reducer gears for robotic applications sa Subic Techno Park na isasagawa sa loob ng tatlong taon.
Sa ginanap na pagpupulong ng mga opisyal ng nasabing kompanya na sina President Takeshi Yamamoto, Nidec Adm. Adviser Toshihiko Kasahara at ang Chairman/ Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority ( SBMA) na si Rolen C. Paulino Sr. kung saan inilahad ang expansion program sa pagsasaayos ng dalawang gusali na matatapos sa taong kasalukuyan.
Kabilang din sa expansion project ay ang paggawa ng mga flexwave na mid-sized speed reducers na gagamitin sa aparato ng nursing industry. MHAR BASCO