PINURI ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11524, na lumilikha sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund na ang pondo ay aabot sa kabuuang P75 bilyon at mapakikinabangan ng nasa 3.5 milyong coconut farmers sa loob ng limang taon.
“We express our sincerest gratitude to President Duterte for signing into law this landmark legislation that would create a trust fund to finally allow farmers to directly benefit from the multi-billion-peso coconut levy funds collected during the Marcos era,” sabi ni Speaker Lord Allan Velasco.
“Indeed, this is a monumental moment for more than three million coconut farmers, who have long been denied of the fund that rightfully belongs to them,” dugtong niya.
Binigyang-diin naman ni House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon province 1st Dist. Rep. Mark Enverga na ang pag-apruba ng Punong Ehekutibo sa naturang batas ay pagpapapatunay lamang na masusing isinasang-alang ng huli ang interes at kapakanan ng coconut farmers, gayundin ng coconut industry ng bansa.
“I am glad that all his concerns and observations when he vetoed the previous coco levy bill version were all given due course to reflect the interests of the small coco farmers,” pahayag pa ng House panel chairman.
Tiwala si Enverga na sa pagpapatupad ng RA 11524, ang nasa 3.5 milyong coco farmers ay lubos na mabebenipisyuhan lalo na sa layuning mapataas ang kanilang produksiyon at kita, kasama na ang sa pangkalahatan ay ang pagpapatupad ng iba’t ibang rehabilitation at modernization programs para sa local coconut industry.
Taus-puso ring nagpapasalamat si three-termer Quezon province 4th Dist. Rep. Helen Tan dahil lumusot at pormal na ring nag-ing batas ang isa sa kanyang ‘pet legislations’ dahil inihain niya ang panukalang batas para sa Coco levy trust fund sa unang taon pa lamang ng pagpasok niya sa Kamara.
“As a third term member of the House of Representatives representing one of the coconut-producing provinces in the country, I was witness not only to the suffering of our coconut farmers but to the evolution of various versions of the bills that seek to provide a policy for the utilization of the coconut levy fund,” ayon kay Tan, chairperson ng House Committee on Health.
Nakasaad sa RA 11524 ang paglilipat ng Bureau of Treasury (BTr) sa coco trust fund ng tig-P10 bilyon sa una at pangalawang taon ng batas, tig-P15 bilyon naman sa pangatlo at ikaapat na taon at P25 bilyon sa ikalimang taon kung saan ang Department of Finance (DoF) ang itinalagang manager ng trust fund. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.