UMABOT sa 3.6 milyong Pilipino ang nakararanas ng problema sa pag-iiisip .
Dahil dito, isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagkakaroon ng marami pang mga parke, recreational facilities at open spaces sa bansa.
Sinabi ni Angara na may mahigit sa 3 milyong Pinoy na ang nakararanas ng mental, neurological at substance use disorders, base na rin sa datos ng Department of Health (DOH).
Iginiit ng senador, chairman ng Senate Committee on finance na hindi dapat balewalain ang isyu ng mental health at hindi kayang tugunan ny overnight lamang subalit mayroong mga bagay na dapat gawin agad para makatulong.
Ang paglalagay umano ng mas marami pang parke, recreational at sports facilities kabilang ang mga open spaces sa urban planning ay magbibigay ng improvement sa pisikal at mental well being ng mga tao partikular na ang mga nasa highly urbanized areas.
Ang mungkahi ni Angara na isama sa programa ang pagtatayo ng parke at iba pang recreational facility ay inihayag sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2024 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iginiit pa nito na halos nakumpleto ng DPWH ang pagsaayos na kalsada at iba pang mga infrastructure project kaya maaari na nilang isunod ang pagtatayo ng mga parke at iba pang pampublikong pasilidad.
Layon umano nito na hikayatin ang publiko na lumabas at magkaroon ng physical activitives at makipag usap din sa mga tao. LIZA SORIANO