PLANO ng pamahalaan na magbuhos ng 3.6 million na kaban ng imported na bigas sa merkado upang pababain ang presyo ng commercial rice ng hanggang P8 kada kilo.
Ayon kay DA Secretary William Dar, nakatakdang ipalabas ng National Food Authority (NFA) ang imported rice hanggang sa Oktubre 10 sa wholesale price na P25 kada kilo at retail price na P27 kada kilo.
Aniya, isang buwan mabibili sa mga palengke ang mga imported na bigas simula kahapon.
“We would like to believe that flooding the market with 3.6 million bags of rice will have a further impact,” sabi ng kalihim.
Paliwanag ni Dar, sa pamamagitan nito ay bababa ang average price ng commercial rice mula sa kasalukuyang P40 kada kilo.
“The reasonable price of rice in the markets should fall within P32 to P34 per kilogram, but if you look at the markets now, ang pinakamababa is P40,” sabi naman ni NFA Administrator Judy Carol Dansal.
“Ang nakikita namin that would be good news if the price of rice in the market would be P32 to P34. Mag-equal man lang sa P32 to P34 is already a reasonable price for the consuming market,” sabi pa ni Dansal.
Umaasa ang NFA na makalilikom ng P4.86 billion mula sa pagbebenta ng 3.6 million na kaban, na gagamitin naman ng ahensiya sa pagbili ng palay sa local farmers.
Comments are closed.