3 ABU BULAGTA, 7 SUNDALO SUGATAN SA RESCUE OPS

SULU– TATLONG miyembro ng Abu Sayyaf Group ang na­sawi habang pitong sundalo ang nasuga­tan sa pagtatangkang mailigtas ang dala­wang babaeng pu­lis na bihag ng mga bandido kahapon ng umaga sa bayan ng Patikul.

Marami ring miyem­bro ng ASG na nasa ila­lim ng pamumuno nina ASG sub-leaders Idang Susukan at Almujer Ya­dah ang nasugatan nang mahagip sila ng artillery fire ng Philippine Army (PA) mula sa ground at air support na ibinigay ng MG-520 attack heli­copters ng Philippine Air Force 3rd Tactical Operation Wing.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, com­mander ng Joint Task Force Sulu, nasa rescue mission ang mga tauhan ng 21st Infantry Bat­talion para iligtas ang 2 babaeng pulis na hawak ng mga terorista nang makasagupa nila ang may 70 Abu Sayyaf sa Sitio Sangay, Barangay Buhanginan, Patikul bandang alas-6 ng umaga.

Pahayag pa ni Sobe­jana, pinangungunahan nina Idang Susukan at Almujer Yadah, na si­nasabing responsable sa pagdukot kina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad, kapwa miyembro ng PNP-SOCO na nakabase sa Zamboanga, ang na­kalaban ng kanyang mga sundalo.

Bukod sa dalawang pulis ay binihag din ang dalawa nilang kasama na sina Jakosalem Ahamad Blas at Faizal Ahidji na una nang napabalitang pinatutubos ng P300,000 para sa kanilang ka­layaan.

Ang mga napaslang na Abu Sayyaf na sina Moktar, Julhadi at Surayb ay mabilis ding itininakas ng kanilang mga kasamahan. VERLIN RUIZ

One thought on “ 3 ABU BULAGTA, 7 SUNDALO SUGATAN SA RESCUE OPS”

  1. 775464 26404Safest the world toasts are made to captivate and also faithfulness to your wedding couple. Beginner sound system watching high decibel locations would be wise to always remember some sort of vital secret developed by presentation, which is your auto. very best man speeches funny 784452

Comments are closed.