PASAY CITY – NADAKIP ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong African makaraang mahuli kaugnay sa pagdadala ng mga pekeng pasaporte.
Ayon sa report na nakarating kay BI Commissioner Jaime Morente, nasakote ang tatlong suspek noong nakalipas na Abril 10 pagpasok sa arrival area ng Ninoy Aquino Internationl Airport (NAIA) Terminal 3.
Nabatid na ang tatlong dayuhan ay dumating sa bansa noong Abril sakay ng Turkish Airlines galing sa Istanbul, Turkey.
Sinabi sa report na nakarating kay Morente na nadiskubre ng Immigration Officer on duty sa secondary inspection kung saan nakitaan ng maraming red flag sa mga passport ng tatlo.
Kaya agad na inirekomenda itong mga suspek sa mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), para magsagawa ng forensic document examination.
Nadiskubre ng TCEU na mga bugos ang kanilang mga pasaporte, at maging ang kanilang mga biographical page ay anila all counterfeit batay sa nakitang mga bura sa kanilang mga passport.
Ayon naman kay BI-TCEU Chief Erwin Ortañez, naniniwala siya na sinubukan ng tatlong African na gamitin ang fake Ghana pass port, dahil hindi na kinakailangan ang entry visa pagpasok sa Filipinas.
Naniniwala si Ortanez na nanggaling o nag-originate ang mga ito sa African country na kinukonsidera o categorized bilang restricted nationality, kaya nag–apply ang mga ito ng visa sa Philippine consulate sa abroad para makapasok sa bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.