NASA 142 na kaso ng fireworks-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) tatlong araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Sa nakalipas lang na 24-oras ay naitala ng DOH ang 17 na bagong kaso ng nasugatan sa mga ilegal na paputok.
Mas mataas ito ng 35 percent na fireworks-related injuries sa bansa kumpara noong 2023 na 105 na kaso lamang ng fireworks-related injuries ang naitala ng DOH.
Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga ilegal na paputok at iwasan din ang pagsindi sa mga ito upang makaiwas sa disgrasya.
J DORONIO