ILULUNSAD ngayong araw ang tatlong araw na malawakang pagbabakuna sa mga aso at pusa upang mapigilan ang nakaambang panganib sa kalusugan ng taumbayan sa iba’t ibang lugar sa Barangay Talon 5 sa Las Pinas City.
Simula ngayong Lunes bandang alas-9 hanggang alas-11 ng umaga ay inaanyayahan ang may alagang aso at pusa na magtungo sa mga sumusunod na lugar sa Barangay Hall, Chami, Agro 1, Agro 2/ Veraville TH/Beacon, Hollero, Villa Pangarap, Phase 2 at sa Emmaus.
Samantala, may schedule rin ang animal rabies vaccination sa hapon na sisimulan bandang ala-1 hanggang alas-3 ng hapon sa mga lugar ng Gate 2 (Smallville), Manuela (Pres), Chesa (Christian Womens), Sampalok/Chesa (Maru) at sa Bignay/Niog/Marang.
Sumunod na araw ng Martes ng umaga ay magsasagawa rin ng animal rabies vaccination sa mga lugar ng Samata (bakuna), Topaz Ext. , SamataDulo, Bayabas (Billy), Christianville, Pagibig 2, Pagibig 3 at sa Durian/ Caimito/Chico/Cassava.
Para sa iba pang detalye na may kaugnayan sa mass animal rabies vaccination ay makipag-ugnayan sa Las Pinas City Veterinary Services Office o tumawag sa #0282552911 o kaya sa # 09656536449.
MHAR BASCO