3 ARESTADO SA DROGA AT SUMPAK

Shabu

KASALUKU­YANG naghihimas ng ma­lamig na rehas ang tatlong katao kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng baril, mga bala at P20,000 ha­laga ng ile­gal na droga sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD)- District Special Ope­ration Unit (DSOU) Head P/Major Timothy Aniway Jr. ang mga naarestong suspek na sina Alexander Pariñas, 38-anyos, Crizaldo Laude, 28-anyos, at Rochelle Dela Cruz, 38-anyos, ng Talakitok St., Brgy. 18, Libis Nadurata.

Sa imbestigasyon ni PCpl Berzon Embile, dakong alas-6 ng umaga, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng DSOU kontra sa top most wanted person sa Talakitok St. nang mapansin si Pariñas na may nakasukbit na improvised shotgun (sum­pak) sa kanyang tagiliran.

Inaresto ng mga pulis si Pariñas kasama si Laude at Dela Cruz kung saan nakumpiska sa mga ito ang isang sumpak, anim na bala ng 12 gauge at pitong plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nasa P20,000 street value ang halaga. EVELYN GARCIA

Comments are closed.