3 ARESTADO SA P13.9-M NA ILEGAL NA DROGA

COTABATO- NASAMSAM ng mga awtoridad ang P13.9 milyong halaga ng shabu mula sa tatlong drug dealer sa isinagawang entrapment operation sa lalawigang ito.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, ang mga nasakoteng suspek na sina Marhaya Aziz Abdullah, 36-anyos, Kadapi Karim Jaca, 45-anyos, kapwa taga Zamboanga City at Ridzmer Nasher Abdul Kara, 38, taga Barangay Suba-Suba, Pandami Sulu.

Sa pinagsamang operasyon ng Pigcawayan-PNP, PRO-12 at ng Police Drug Enforcement Agency Group-12, nadakip ang mga suspek sa Room 3 ng Red High Heel Hotel na matatagpuan sa Barangay Balogo, Pigcawayan at nasamsam sa mga ito ang 2.1 kilo ng shabu.

Narekober din sa mga suspek ang isang 9 millimeter Glock 17 pistol at puting Toyota Fortuner na ginagamit nilang sasakyan para sa kanilang iligal na aktibidades mula Zamboanga City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 0 Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 ang naturang mga suspek. EVELYN GARCIA