ARESTADO ang tatlong ‘singhot boy’ ng mga awtoridad habang abala ang mga ito sa pot session sa loob ng bahay ni alyas “Pato” kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Amado Sison, 42-anyos alyas Pato, Ron Ely Catiis, 23=anyos at Jolibe Lalisan, 25- anyos, binata, construction worker, pawang residente ng #19 Rose St., Purok-7, Brgy., Malanday Marikina City.
Nabatid na dakong alas-7:20 ng gabi nang maaktuhan ng mga operatiba at barangay tanod na abala ang mga suspek sa pagsinghot ng droga sa Rosa St., sa nasabing lungsod.
Nasamsam sa mga ito ang isang tooter, tatlong transparent plastic sachet ng shabu, aluminum foil, isang rolled aluminum foil at isang disposable lighter.
Nauna rito, nagsasagawa ng patrolya si PMSG. Reynante Murillo kasama ang mga barangay tanod na sina Ruel Ruiz, Roderick, Dexter at Erickson Telan ng Sub-Station 4 ng PNP nang makatanggap ng tawag kaugnay sa ongoing na pot session sa lugar.
Huli sa akto ng mga awtoridad ang mga suspek habang nagpa-pot session.
Kasong paglabag sa sec. 13 at 14, Art. II ng RA9165 ang mga suspek. ELMA MORALES
Comments are closed.