NAVOTAS CITY – NAKUMPISKA ng awtoridad ang 17 plastic sachets ng shabu na aabot sa P1 milyon ang halaga sa tatlong babae na hinihinalang drug pusher na naaresto sa buy bust operation kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police Deputy Chief for Administration at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Head PCI Ilustre Men-doza ang mga naaresto na sina Christina Gitag alyas “Nene”, 26, Corazon Marcos alyas “Cora”, 58 at Annalyn Tremocha, 23, pawang ng Brgy. NBBN.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jaycito Ferrer, dakong alas-11:35 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Mendoza ang buy bust operation kontra kay Cora at Nene sa Market 3, Brgy. NBBN.
Matapos iabot ng mga suspek ang isang pack ng shabu kay PO1 Glenn Ocampo na nagpanggap na buyer kapalit ng P2,000 marked money ay nagbigay na ng signal ang pulis sa nakaantabay na mga oper-atiba na agad lumusob at inaresto si Cora at Nene kasama si Annalyn.
Narekober ng mga operatiba kay Cora ang buy bust money habang nakumpiska kay Nene ang isang kahon na naglalaman ng 14 plastic sachets ng hinihinalang shabu, samantalang nakuha naman kay An-nalyn ang dalawang plastic sachets ng shabu na tinatayang aabot lahat sa isang milyong piso street val-ue ang halaga.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto ng pinagkukunan ng mga suspek ng ilegal na droga. EVELYN GARCIA
Comments are closed.