3 BAGAY PAANO MAGSIMULA NG NEGOSYONG PANALO

homer nievera

NAG-IISIP o nagpaplano ka ng isang negosyo?

Bakit ‘di natin simulan ang negosyong panalo! Ayos, ‘di ba?

Pero teka. Alam mo namang ‘di lahat ng negosyo ay nagwawagi, at ang iba pa nga ay nalulugi. Tama naman ‘yun. Ngunit ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang paano mo sisiguraduhing panalo ang magiging negosyo mo.

Narito ang tatlong paraan. Let’s go!

 #1 Buksan ang kaisipan sa bagong negosyo

Minsan kasi, doon ka laging tumutuon sa nakagawian na. ‘Yung tipong naiplano mo na ang lahat tungkol sa naisip mong negpsyo na kahit may mga bagong puwedeng ikonsidera, ‘di mo na ito papansinin. Mali! Dapat, limitless ang mindset mo. ‘Yung bukas lang ang isip mo at walang bakod. ‘Di sarado ang kaisipan sa nakagawian. Ganyan ang utak ng panalo!

Paano mo ito sisimulan? Makipag-brainstorming ka sa mga partner mo o kaya’y mga kaibigan. Sabi nga nila, ang mga maga-gandang ideya ay nakukuha sa panahon ng inuman o ‘di pormal na pagtitipon. Mas mainam ang mas maraming tao na nag-iisip sa isang ideya. ‘Yung pasalin-salin at paglinang ng isang ideya sa pamamagitan ng mga tao ay mainam para makabuo ng isang matagumpay na ideya na bubuo sa matagumpay na startup. Subukan mong gawin.

 #2 Saliksiking mabuti ang merkado

Kung nakapagsimula ka na sa brainstorming, puwede mo na agad isunod ang pagsasaliksik sa mga napag-usapang ideya. Mas magkakaroon ka ng direksiyon kung magsasaliksik ka at pag-aaralan ang bawat galaw, bago mismo magsimula ang unang hakbang.

Madalas, ang mga startup ay nagkakamali at nagsasayang ng pera sa pamamagitan pa lang ng maling kostumer.

Gumawa ka ng ‘persona’ ng kostumer mo. Masinsin mong idetalye ang deskripsiyon ng kostumer mo. Magsimula ka sa isang profile o persona ng kostumer at mula dito ay bumuo ka ulit ng isa pa at susunod pa.

 #3 Subukan ang iyong plano

Ang susunod na hakbang ay ang pag-test ng plano mo. Bago ka sumabak sa malakihang gastos ng marketing, i-test mo muna ang plano mo. Ganyan talaga sa simula. Dapat masinop ka at may maraming baong pasensiya. Kapag ‘di mo ito nagawa, baka mata-lo ka ng big time.

Dahil na rin mabilis magbago ang panahon at teknolohiya, gayundin kabilis magbago ng isipan ang mga kostumer mo. Kaya saliksikin at subukan muna ang Business Plan mo. ‘Wag kang totodo agad ng galaw. Test market muna.

Anuman ang sitwasyon mo at anuman ang klase ng negosyo mo, tandaan at isapuso ang tatlong bagay na aking nabanggit sa pi-tak na ito. Ipagdasal lagi ang negosyo dahil ang gabay ng Panginoon ang tanging makatutulong sa’yo sa anumang sitwasyon.

Si Homerun Nievera ay isang technopreneur at consultant sa iba’t ibang kompanya na may kinalaman sa tech at digital marketing. Kung nais mong makipag-ugnayan, email mo siya [email protected].

Comments are closed.