3 BAGAY PARA GAWING MAS SIMPLE ANG PAGNENEGOSYO SA 2019

homer nievera

MADALAS nakatuon ang ating pansin sa maraming bagay sa pagpapatakbo at pagpapalaki ng ating mga negosyo. ‘Di natin nakikita na may mga paraan na maaari nating gawin para mas padaliin ang mga bagay-bagay sa pagnenegosyo. Narito ang ilan sa mga ito:

Teknolohiya

Kahit na laganap na ang iba’t ibang paraan na gamit ang teknolohiya, madalas isipin  na mahal ang mga ito. Ngunit sa daming gawain at kakumpitensiya, ‘di mo basta babalewalain  ang paggamit ng teknolohiya para mas gawing maayos at masinop ang mga proseso.

Ang Internet at social media na lang ay dalawa sa mga gamit sa marketing na may kinalaman sa teknolohiya. Ang mga online seller nga ay walang pisikal na tindahan para makapangalakal. Sa Facebook na lang, ok na sila.

Sa HR naman, ang timekeeping, bookkeeping at payrolling ay may mga teknolohiyang solusyon na subscription-basis pa. ‘Di na kailangan ng mga tauhan para gawin ang mga ito.

Sa operations at sales, may mga CRM at ERP na tinatawag. Itong mga solusyon na ito ay nakapagpapabilis ng proseso at reporting ng mga pang-operasyon at sales.

Huwag matakot sa teknolohiya. ‘Di rin ito mahal. Magsaliksik para ‘di maiwan sa negosyo.

Marketing

Nabanggit na lang din natin ang sales at marketing, idiretso na natin ito rito. Sa mga panahon ngayon, ang marketing ay dapat mabilis na lamang o mas simple kung tutuusin. Sa paanong paraan? Binanggit ko na ang Internet kung saan ang paggawa ng website ay isa nang simpleng gawain ngayon.

Kung dati ay lagi kang nasa telepono at nagsasaliksik sa Yellow Pages, ngayon, i-Google mo na lang. Gayundin sa paggamit ng social media kung saan mabilis na ang customer feedback. Isang comment  mo lang sa Facebook Page o pag-send ng pm (personal message), ayos  na.

Ang paglathala ng patalastas ay madali na rin. Bukod sa traditional na diyaryo  gaya ng sa PILIPINO Mirror, mayroon na ring  katapat na patalastas sa Facebook at website. Mas mabilis na rin ang mga inquiries dahil halos isang click na lang.

Outsourcing

Maraming mga bagay-bagay na puwede mo nang i-outsource para  ‘di mo na kailangan pang mag-empleyo ng mga tauhan lalo na’t  ‘di naman ga-noon  ka-kritikal ang mga gawaing ito sa iyong negosyo. Gaya halimbawa ng social media management. Ang gawaing ito ay kasama sa mga ina-outsource sa aking negosyong Mediablast Digital. Kasama na rito  ang pagsusulat ng  mga artikulo at paggawa ng mga graphics. Isa pang ina-outsource ay ang recruitment. Dahil nga mahirap na talagang kumuha ng mga tauhan, at mabilis pa ang turnover, mas mainam na mga kompanyanf gumagawa ng recruitment na lang ang kunin.

Sa iyong industriya, saliksikin kung ano-anong mga serbisyoang mas ok na i-outsource. Tandaan na ‘di lang pagtitipid ang konsiderasyon sa pag-outsource, kundi lalo na kung ano ang mas mabilis at mas ekspertong magagawa.

Comments are closed.