3 BAGAY PARA MASIGURONG MAPAPANSIN ANG BRAND MO SA DIGITAL MEDIA

homer nievera

KUMUSTA, mga ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti naman kayong kalagayan! Ngayong nagbukas na naman nang bahagya  ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng mas maluwag na panuntunan ng IATF, mas sisigla na dapat ang ating merkado. Pero siyempre, dahil lahat ng nagnenegosyo ay pare-pareho naman ang ekspektasyon sa pagpapasigla ng ekonomiya, kanya-kanyang gimik naman ang ginagawa ng mga negosyante. Ang tanong, makakasabay ka ba?  O mas magandang tanungin sa sarili mo ay  makakaangat ka ba sa kanila?

Tandaan mo na ang brand mo ay mahalagang palawigin sa mga pagkakataong ito habang ‘di pa lahat lubos na nakababangon. Ang unang tanong ko sa mga kliyente ko sa  aming Mediablast Digital na kompanya ay kung may nakakakilala ba sa brand niya? Kasi ang unang hakbang upang makapagbenta ka ay ang magpakilala. Para makilala ka, dapat siyempre, may presensiya ka, ‘di ba? Kaya naman sa panahong ito, mahalaga ang  pagkakaroon ng maayos na pagpapakilala ng brand mo sa mga kostum-er mo. Maaaring ito ay magsisimula sa social media dahil nasa ekonomiyang digital na tayo. Lalo na sa pagpasok ng pandemya, kung saan mas pinahahalagahan ang pre-sensiya mo sa iba’t ibang uri ng digital na plataporma. Ano’ng dapat gawin? O, tara na at matuto sa pitak na ito!

#1 Mas paigtingin ang SEO ng Website

Sa panahong ito rin, kung ang balak mo naman ay makaungos habang tila tulog ang ibang negosyo, ang paggamit ng digital marketing ang siya mong maaasahan, ‘di ba? Ang pangunahing gawain sa mga bagay na ito ay siyempre, dapat mayroon kang sarili mong website. Kapag nag-type kasi sa Google ang mga tao, saan kaya sila mapupunta – sa website mo ba o sa kalaban? Ang paggamit ng SEO  o search engine optimization ay kritikal upang mapapunta man lang sa unang pahina ng Google ang kanilang paghahanap.

Noong Marso sa pitak ko, ito ang mga sinabi kong mahahalagang bagay na dapat tutukan sa SEO mo:

Una, ang tinatawag na Featured Snippet.  Ang bagong ginawang Google sa larangang ito ay ang pagpapadali ng search sa mga keyword at naka-highlight na ito sa pamamagitan ng mga Featured Snippet. Subukan mong hanapin at i-type ang keywords na “digital transformation specialist Philippines” at makikita mo ang Featured Snippet ng taong ito (ako ‘yun!). Ikaw na ang humusga. Ang halaga ng trend na ito ay kung ikaw ang napunta sa Featured Snippet na ito, ikaw ay nasa tinatawag na “Position Zero” kung saan ikaw ang makakakuha ng pinakamaraming traffic, leads at benta.

Ikalawa ay Predictive Search. Sa dalawang salitang ito mo makukuha  ang pinatutungkulan ko – Hulaang Paghahanap. Ito man ay literal kong hinanap ang pagsalin sa Google, swak naman ang ibig sabihin nito.

Dahil magiging kalakaran na kasi ito, kailangan mong maintindihan na ang ibig sabihin nito ay nahuhulaan na ng Google kung ano ang mga kaparehong keywords na ita-type mo sana. Kaya ito na mismo ay kanyang iminumungkahi bilang suggested keywords. Dahil dito, kung ikaw ay nasa larangan ng paggawa ng SEO ng iyong brand o produkto, kailangan mo na ring pag-isipan kung paano mo makukuha ang mga iminungkahing keywords ni Google.

Ikatlo naman ay ang Local Search. ‘Di man ito ganoon kabago sa Google, ang trend na ito ay mas lalong magiging mahalga sa 2021 at sa mga susunod pang taon. Ano ba ang local search? Ito ay ang pag-suggest ni Google ng mga bagay na makukuha, mabibili o mapupuntahan na malapit sa lokasyon mo.

Halimbawa, ang Chinese restaurant mo ay nasa Makati. ‘Di ba dapat kung mag-search sila ng Chinese food o Chinese restaurant sa Makati, lalabas ‘yung sa ‘yo?  Ganoon kasimple dapat Saliksikin mo ang Google My Business kung saan dapat mailista mo ang address ng iyong negosyo upang mas madali ka nilangmakita. Ikalima naman ay ang Page Experience Update ng Google nitong Mayo kung saan mas magpapagaganda ng eksperyensiya ng gumagamit ng serbisyo nila. Sa dulo kasi, kung maayos ang ekspiryensiya ng isang searcher sa Google, mas dadami ang gagamit nito. Ibig sabihin nito, isasama na ng Google ang bilis ng pag-load ng website mo, ang pagsasaayos nitong makita sa mobile devices, ang pagkakaroon ng seguridad gaya ng HTTPS, pag-alis ng mga pop-up ads, at iba pa.

#2 Pagtibayin ang social media

Ang social media account sa mga tulad ng Facebook at Instagram ay ang pagkakaroon ng ibayong presensiya rito,  lalo na kung nandito ang mga mamimili mo. Sa Facebook, mahalaga ang pagkakaroon ng business account para mai-boost ang mga post mo. Sa halagang 50 pesos bawat boost na aabot sa halos 2,000 katao ang maabot, sulit na ‘di ba? Gawin mo lang na propesyunal ang pagkakagawa ng page o business account para sa imahe ng iyong negosyo. Marami ring nakakalimot na may LinkedIn na social media para sa mga propesyunal. Mas pangnegosyo ang site na ito at ‘di basta-bastang makakakonekta sa mga narito. Iba ang mga rules na ginagamit  kaya alamin mo ang mga ito. Ang pangunahing social media platform na dapat gamitin sa Filipinas ay ang Facebook. Ang mahigit 60 milyong katao na puwedeng maging kostumer mo ay ‘di biro. Kaya dapat maayos ang pundasyon nito. Sa Facebook, may sariling 13-point checklist na ipinakikita ang mismong FB. Ilan  dito ay ang paglagay ng contact number, email addres at website address ng negosyo. Mahalaga rin ang pagsasaayos ng itsura ng mga produkto mo sa social media marketplace gaya ng sa Facebook. Dapat ay maganda ang pagkakauha sa litrato man o video. Ikalawa, ay ang masinop na paglagay ng presyo at lahat ng detalye upang mabawasan ang pagtatanong ng mga kostumer. Siguraduhing malinaw ang pagkakalathala ng nasabing mga detalye lalo na ang paraan ng pag-order, pagbayad at pag-deliber. Lagyan din ng mga hashtags ang iyong mga post upang mas mabilis itong makita sa search.

Tandaan lang na halos 80 porsiyento ng milenyal at GenZ na merkado ay sa video nahuhumaling. Ito kasi ang pinaka-epektibong paraan upang mahuli ang kostumer sa social media. Kaya namamayagpag ang live selling sa Facebook dahil sa aspetong ito. Maraming uri ng video ang puwede mong gamitin. Nariyan ang gumagalaw na poster na video ang format. May mga online events o seminars kung saan mahabang diskusyon ang puwedeng gawin. Kung hirap kang mag-isip ng gagawin, manood muna ng mga video na nag-eendorso ng mga brand. Marami iyan, kasama na ang mga pagsingit ng brands sa mga influencer. Ayusin mo ang mga ito upang maging solido ang presensiya mo.

#3 Paggamit ng Google at Facebook ads

Kung madalas ka makakita ng mga rekomendasyon sa unang tatlong baiting ng search mo sa Google na may nakalagay na“Ad” – ‘yan na mismo ang Google Search Ads na tinatawag. Sa Facebook naman, mayroon ding mga ads na tinatawag. Ang Google Ads ay ang pagbili naman ng advertising mula sa Google. Nahahati ito sa dalawa – ang Ad Words kung saan binibili ang mga keywords na pasok sa website mo; at ang display ads naman na banner ads ang binibili, nang naayon din sa keywords. Mahalaga ang paggamit nito lalo na’t  nagsisimula ka pa lang sa website mo at ‘di pa pumapasok ang trapik mula sa itinanim mong SEO. Ang maganda dito, kung nai-setup mo ang mga tools gaya ng Google Analytics, maise-setup  mo na rin ang mga bagay  na magbibigay sa iyo ng mas masinsin na impormasyon sa mga nais mong makuhang kostumer. Mas magmumura na rin ang halaga ng mga ads mo dahil mas targeted na ang merkadong tatamaan mo. Tulad din ng SEO, ‘di agad-agad umeepekto ang Google Ads kung benta lang din ang aasahan mo. Kasi, ang algoritmo ng Google ay natututo pa lang sa mga settings na nailagay mo. Hayaan ng mga tatlong buwan bago maging mas  episyente ang pag-target mo. Sa display ads naman, mas mainam na gumawang mga limang  bersiyon ng banner ads mo upang mas malaman mo kung ano doon ang mas epektibo.

Maaari kang magsimula sa budget na 1,000 pesos upang makita mo ang resulta ng ads mo. Ang pinakaepisyente na gawain ay ang paglagay ng URL ng website mo sa lahat ng mga post mo upang makita ito kung ma-share ang mga post mo. Isa pang magandang gawain ay ang pagbili ng Facebook ads o mag-boost ng mga postmo. Simpleng argumento dito ay ang pagkakaroon ng New Normal kung saan mas mahirap makipag-meeting sa mga tao. Kung gagastos ka ng 500 pesos sa meeting sa isang kilalang coffee shop, isang tao o kostumer lang ang makakasalamuha mo. Pero kung sa boosting o ads mo gugugulin ‘yan, mga isang libo ang  taong matatarget mo.

Tandaan na ang Youtube ay social media din, ngunit videos ang gamit. Pag-isipan mo ang paggamit ng platapormang ito, maging libre man o may ads. Sa madaling salita, ang social media ay katulong mo sa promotions. ‘Di ito ang mismong gagamiting tila website mo.

Pagtatapos

Sa panahon man ng pandemya o hindi, mahalga ang  pagkakaroon ng sariling webite. Ito ang tahanan mo sa digital na mundo. Ito rin lamang ang tunay na kontrolado mo ang pagpapatakbo kaya ayusin ito nang maigi. Ang kaagapay ng website mo ay ang social media. Ang dalawang ito ay nasa sentro ng  pagpapaigting ng branding mo sa larangan ng digitam media.  Paghandaan ang mga ito at maglaan ka ng pera sa pag-advertise mo upang maka-angat sa iba. Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay. Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan  kasama ng pagtitiwala sa sarili at  pananampalataya sa Diyos.



Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected]

115 thoughts on “3 BAGAY PARA MASIGURONG MAPAPANSIN ANG BRAND MO SA DIGITAL MEDIA”

  1. Prescription Drug Information, Interactions & Side. earch our drug database.
    ivermectin 6 mg tablets
    drug information and news for professionals and consumers. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Get warning information here. amoxil generic
    Everything what you want to know about pills. Some trends of drugs.

  3. Some are medicines that help people when doctors prescribe. safe and effective drugs are available.

    https://propeciaf.store/ buy cheap propecia without rx
    Read information now. Everything about medicine.

Comments are closed.