KASALUKUYANG sumasailalim sa flight evaluation at performance test ang tatlong bagong police choppers na binili ng Philippine National Police (PNP) sa halagang P600 million.
At sa dumating na ang tatlong bagong H125 air bus helicopters, mayroon ng kabuuang 10 helicopters ang PNP na lumilipad sa ngayon kabilang ang apat na units ng H125 air bus, dalawang Robinson 44 trainer chopper at isang unit ng CESNa C150 trainer fixed wing.
Gayunpaman, nilinaw ni PNP Director for Logistics M/Gen. Angelito Casimiro, sumasailalim sa pre acceptance evaluation at field testing ang mga bagong chopper bago ang pinal na lagdaan ang acceptance documents para sa mga bagong H125 air bus helicopter.
Kaugnay naman sa bumagsak na Bell 429 chopper sa Laguna na ikinasawi ng isang police general kamakailan, napag-alaman na nakatakdang bayaran ang PNP ng P430 million ng GSIS bilang proceeds doon sa bumagsak na chopper.
Sinasabing gagamitin ang nasabing halaga para makabili naman ng dalawang H130 air ambulance na magagamit sa rescue operations, medical evacuation, aerial survey at paghahatid ng tropa at magdala ng mga kagamitan gaya ng kanilang sandata, ammunition, pagkain gamot at tubig. VERLIN RUIZ
Comments are closed.