3 BARKO NG AUSTRALIA NASA PILIPINAS

BILANG bahagi ng kanilang annual activities na Indo-Pacific Endeavour 2021 (IPE21), dumating sa bansa ang tatlong war ships ng Royal Australian Navy na Her Majesty’s Australian Ships (HMAS) Canberra III, Anzac, at Sirius.

Ang tatlong barko ay mainit na sinalubong ng Philippine Navy (PN) frigate BRP Antonio Luna FF151.
Bilang pagpupugay sa bisita, nagsagawa ng serye ng pagsasanay ang PN sa Cabra Island na bahagi ng tradisyong pagsalubong sa Australian ships.

Magkakaroon ng pagsasanay ang dalawang navies para sa maayos na kooperasyon, workshops, seminars, at iba pang virtual exchanges ng kaalaman sa krisis sa regional issues gaya ng maritime security, women, peace and security, at humanitarian assistance.

Nanguna naman sa aktibidad sina IPE21 officers na sina Capt. Constancio Reyes bilang deputy commander ng grupo at Lt. Chester Ian Ramos at Ens. Stacy Kaye Villanueva.

Ang IPE21 ay naglalayung palakasin ang relasyon gn Pilipinas sa Australia.

10 thoughts on “3 BARKO NG AUSTRALIA NASA PILIPINAS”

  1. 776038 195039We offer the most effective practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to quickly assess your problem and discover the very best remedy. 628485

Comments are closed.