3 BATA PATAY SA PERTUSSIS

PAMPANGA- PATAY ang tatlong paslit dahilan umano sa sakit na pertussis sa lalawigang ito.

Kinumpirma ni Pampanga Provincial Board Member Mylyn Pineda Cayabyab na tatlo ang binawian ng buhay dahilan umano sa sakit na pertussis sa kanyang lalawigan.

Sinabi ni Cayabyab na mayroong 48 kaso sa Central Luzon at 12 ang nakumpirma sa Pampanga.

“Ang mga bata iwasan po muna natin ang mga gatherings iyong inilalabas natin sila, para po sa proteksyon nila, hindi pa naman kasing lakas ng mga iyan. Iwasan din ang mga newborn na mailapit sa may ubo,” paalala niya.

Nanawagan naman ang mga magulang at netizens sa pamahalaang panlalawigan na iutos ang pagsasagawa ng online classes upang maiwasan ang mga bata na ma-expose sa pertussis, na kilala rin bilang whooping cough. EVELYN GARCIA