ISA nang ganap na batas ang panukalang magpoprotekta sa kapakanan ng disabled military veterans.
Pasado na rin ang batas para sa pagpapaigting ng business system sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Velicaria-Garafil, ang isa pang batas ay para naman sa pagpepreserba at pagpoprotekta sa Philippine Cultural Heritage.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11958, ira-rationalize ang disability pension ng mga military veteran.
Siyempre, pagkakalooban din sila ng buwanang disability pension kapag nagkaroon sila ng sugat, o injury na natamo sa serbisyo.
Ang RA No. 11960 na magtatatag sa One Town, One Product (OTOP) Philippines Program ay layon namang mabigyan ng sapat at epektibong support services ang local MSMEs o maliliit na negosyo sa bansa sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at Cooperative Development Authority (CDA).
Inaprubahan na rin ni PBBM ang RA No. 11961 o ang batas na magpapaigting sa conservation at pagpoprotekta sa Philippine Cultural Heritage sa pamamagitan ng cultural mapping at enhanced cultural heritage education program.
Samantala, lalong kinabibiliban ng marami si Sen. Robin Padilla matapos tulungan ang kapwa artistang si Yasmien Kurdi sa hospital bills ng ina ng aktres na natuklasang may chronic kidney disorder (CKD).
Habang naghihintay ng kidney donor, sumasailalim daw ang ina ng aktres sa regular dialysis kung saan hindi raw biro ang inabot na bills nito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Naayos daw nang maaga ang bayarin dahil mismong si Padilla ang nag-alok na siya na ang bahala rito.
Sana’y malampasan ng mag-ina ang pagsubok na ito sa kanilang buhay.
Sa ginawa naman ni Sen. Robin, aba’y pinatunayan ng mama na kahit senador na siya ay handa pa rin siyang tumulong sa mga kapwa artista at lagi talaga siyang maaasahan.