QUEZON CITY –Naaresto ang tatlong babae matapos maaktuhan ang mga ito habang nagsusugal noong gabi ng Sabado sa Geronimo compound, sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Kasong Violation of PD 1602 (Illegal Gambling) ang kinakaharap ng tatlo habang narekober mula sa mga ito ang (1) set ng playing card, at bet money na halagang P130.00 na may iba’t ibang denominasyon ng pera.
Ang umaresto sa kanila ay sina PO1 Severiano Montalban III, PO1 Benjieson Pablo, PO1 Glenn Vitalicio at PO1 Reynald Bagayan mula sa TMR ng Novaliches Police Station 4 ng QCPD.
Kinilala naman ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel ang mga inarestong sina Ailyn Lizaba y Mondas, 39-anyos, walang asawa, walang trabaho, tubong Surigao at residente ng Sarmiento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City. Ang suspek namang si Michelle Israel y Revista, 21, single, jobless, residente ng Sitio Matarik, Bagong Silang, Caloocan City at Sharon Ibañez y Rebote, 35, single, jobless, tubong Tacloban at residente ng No. 28 Geronimo compound, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Q.C.
Kasalukuyan na ngayong nakapiit ang mga suspek sa Novalices Police Station habang kakaharapin ng mga ito ang paglabag sa PD 1602 o illegal gambling. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.