NASAKOTE ang tatlong dalaga na sangkot sa illegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga suspek na sina Kyla Marie Legaspi, 22-anyos, (Pusher/Not Listed), Kristal Shaine Legaspi, 19-anyos, (Pusher/Not Listed) at Marizza Adalla alyas “Mutya”, 29-anyos, (User/Not Listed), pawang residente ng lungsod.
Ayon kay Ollaging, dakong alas-3:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Eforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Leaño St., Brgy., Bangkulasi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,000 halaga ng droga.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 162 gramo ng shabu na may standard drug price (SDP) na P1,101,600.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at limang P1,000 boodle momey, P1,500 cash, body bag, 2 coin purse, weighing scale, cellphone at maliit na note book.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. EVELYN GARCIA