3 BEBOT TIMBOG SA BUY BUST

BATAAN- NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang tatlong babae matapos mabitag sa isinagawang anti narcotics operation ng PDEA Bataan Provincial Office (PDEA) nitong Miyerkules ng umaga.

Base sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA chief Director General Moro Virgilio Lazo mula sa PDEA team leader ay kinilala ang mga nadakip na sina Arlene Bell y Bonifacio @arlene, 39-anyos; Celeste Hamili y Serrano, 42-anyos, at Noemie Morales, 33-anyos ng Purok 3, Hermosa, Bataan.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng mahigit kumulang 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P88,400.00; sari-saring mga gamit sa droga at ang ginamit na buy-bust money ng umaktong poseur buyer.

Ang tatlong suspek ay kapwa naka ditine sa jail facility ng PDEA Region 3 habang ang mga nakumpiskang illegal substance ay ipapasa sa PDEA-3 laboratory section para sa quantitative at qualitative examinations.
VERLIN RUIZ