BULACAN – ISANG binata na tatlong beses gumahasa umano sa kanyang kapitbahay ang naaresto ng pulisya sa Bocaue.
Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police, hindi nakapalag ang suspek na si alyas Cris, 24-anyos, nang arestuhin ng mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan.
Nabatid na suspek si Cris sa tatlong beses na panggagahasa kay Julie (hindi tunay na pangalan) noong 2017 at nagtago makaraang isyuhan ng warrant of arrest na walang piyansa ni Hon. Crisostomo Danguilan, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 21 sa Malolos City, Bulacan. A. BORLONGAN
Comments are closed.