3 BIFF MEMBERS SUMUKO SA ARMY

MAGUINDANAO DEL SUR- SUMUKO sa mga tropa ng sa 40th Infantry Battalion ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Datu Saudi Ampatuan.

Ayon kay Major General Alex Rillera, Commander ng Joint Task Force Central, dalawa sa mga sumukong personalidad ay dating miyembro ng BIFF-Karialan Faction at ang isa ay mula sa Bungos Faction.
Sinabi ni Rillera na idinahilan ng tatlo sa kanilang pagsuko ang naranasan nilang gutom, pagod, at takot sa kanilang buhay sa pagtatago.

Kasabay din isinuko ng tatlo ang isang 7.62mm Sniper rifle, isang cal. 50 Sniper rifle, at isang 40mm rocket-propelled grenade launcher.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng 40IB ang tatlong nagbalik-loob habang sumasailalim sa documentation at custodial debriefing.

Binati naman ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Roy Galido ang mga tropa ng Joint Task Force Central sa kanilang tuloy tuloy na pagsisikap na wakasan ang terorismo sa Central Mindanao.
EUNICE CELARIO