NORTH COTABATO– Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa inilunsad na air at ground assaults ng tropa ng militar sa kabundukan ng Barangay Pusao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao, kamakalawa.
Ayon kay Maj. Gen. Diosdado Carreon ng 6th Infantry Division at ng Joint Task Force Central (JTFC), tatlong tauhan ni BIFF kumander Bungos ang bumulagta sa ginawang surgical operation ng mga sundalo.
Nagsimula ang air strikes noong Martes na sinundan ng ground assault ng tropa ng 33rd Infantry Battalion (33IB) at 12th Special Forces Battalion.
Narekober ang tatlong bangkay ng BIFF sa Barangay Pusao, Shariff Saydona Mustapha.
Narekober din ng mga sundalo ang tatlong armas ng cal. 5.56 mm K2 assault rifle at cal. 454-pistol sa pinagtataguan ng mga terorista.
Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng mga bangkay ng BIFF na agad dinala sa mga lokal na opisyal ng barangay sa pamumuno ni Kagawad Abo Kalim, upang mailibing na nakabatay sa tradisyong Islam. MHAR BASCO
Comments are closed.