3 BOMBAY ARESTADO SA ILEGAL NA PAGTATRABAHO

DAVAO CITY- NAA­RESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Indian national sa magkakahiwalay na ikinasang operasyon ng Mindanao Task Group (MITG) sa nasabing lalawigan nitong nakalipas na Linggo.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga nadakip na sina Tejpal Singh, 35-anyos; Prakash Kumar Vishnubhai Patel, 31-anyos at Manoj Kumar Ranchhodbhai, 51-anyos.

Batay sa ulat, nasakote ang tatlong Bombay sa isang kilalang Indian restaurant sa Davao City na kung saan nagtatrabaho si Tejpal bilang cook na walang working permit at visa mula sa pamahalaan.

Sa report ng BI Mindanao Task Force, inaresto rin itong sina Vishnubhai Patel at Ranchhodbhai Patel dahil sa pagiging overstaying, nagtatrabaho ng walang mga working permit at visa.

Ang tatlong ito ay nasa holding facility ng Bureau of immigration sa Davao City habang inaantay ang kanilang mga deportation Order mula sa BI Board of Commissioners . FROILAN MORALLOS