ISABELA – TATLO katao ang nasawi bunsod ng pamamaril ng umano’y riding-in-tandem criminals sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Una ay isang kawani ng pamahalaang lokal ang namatay matapos na pagbabarilin ng hindi pa matukoy na dalawang salarin lulan ng motorsiklo sa Barangay San Jose Norte, Mallig.
Nakilala ang biktima ng pamamaril na si Manny Asper, 42, may asawa residente ng nasabing lugar, isang kawani ng munisipalidad ng bayan ng Mallig.
Galing umano ang biktima sa isang kaibigan na nagdaos ng kaarawan kasama ang kanyang anak, habang naglalakad alas-7 ng gabi nang lapitan ng dalawang salarin at malapitang pagbabarlin ang biktima na ikinasawi nito.
Patay rin si Aristotle Lappay, 37-anyos, na biktima rin ng riding in-tandem criminals residente ng District 2, Cauayan City.
Sa pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station, kasama umano ang isang nagngangalang Jessa Mansibang na naglalakad patungo sa ilog Magat, at hindi pa rin malaman ang dahilan kung bakit hinintuan ng riding in-tandem criminals na sakay ng motorsiklo. Kung saan ay binaril ng maraming beses sa ulo ang biktima na nagresulta ng kaniyang pagkamatay.
Nagsasagawa na ng pagtugis ang awtoridad sa riding in-tandem criminals. IRENE GONZALES
Comments are closed.