3 BULKAN BANTAY SARADO SA PHIVOLCS

TINUTUTUKAN ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa estado ng tatlong bulkan sa bansa partikular ang Bulkang Taal, Mayon at Kanlaon sanhi kanilang mga abnormalidad.

Ayon sa PHIVOLCS, nadagdagan ang volcanic earthquakes na naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Base sa monitoring ng PHIVOLCS, umakyat sa 5 ang volcanic earthquakes ang bulkan mula sa 2 pagyanig noong nakaraang araw.

Nananatili rin ang pagluwa ng 1,198 tonelada ng asupre o sulfur dioxide sa bunganga ng bulkan at ang katamtamang pagsingaw na umabot sa 300 metro ang taas.

Nagkaroon naman ng malakas na pagsingaw sa Bulkang Taal na umabot sa 1,800 metro ang taas.

Bukod dito, aabot din sa 14 ang naitalang volcanic tremors sa bulkan na tumagal ng 2-25 minuto kung saan kapwa nasa Alert Level 1 ang Bulkang Kanlaon at Bulkang Taal.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 1.5km ang lava flow sa bulkan at nagkaroon din ng pagguho ng lava hanggang 3.3km patungo sa Mi-isi at Bonga Gullies.

Wala namang naitalang volcanic earthquake bagama’t mayroong 265 na rockfall events ang na-monitor at 5 pyroclastic density current events o pagdausdos ng magkahalong abo, mainit na bato, at volcanic gas sa Bulkang Mayon.

Dahilan ito para manatili sa evacuation sites ang libo-libong pamilya .
VERLIN RUIZ