3-BUWAN ALLOWANCE SA 9,100 STUDES SA MAYNILA

NASA total na 9,100 estudyante ang tatanggap ng tatlong buwang allowance mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang lagdaan ni Mayor Isko Moreno ang payroll para sa 8,295 college students at 805 senior high school (SHS) students mula sa city-run Universidad de Manila (UdM).

Ayon kay Moreno, ang college students ay tatanggap ng P3,000 bawat isa habang ang SHS students ay tatanggap ng P1,500 bawat isa na sumasakop sa buwan ng Enero hanggang Marso ng taong ito.

Ang nasabing financial assistance ay umaabot sa P26 milyon na kung saan ay bahagi ito ng social amelioration program ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ang mga nakikinabang ay ang iba’t-ibang sektor sa lungsod.

Sa pagpasa ng mga ordinansa na nagbigay daan sa budget allocation, nakapaglatag ang pamahalaang lungsod noong 2019 ng social amelioration package para sa monthly cash assistance ng senior citizens, person with disabilities (PWDs) at solo parents, bukod pa sa mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Udm.

Ayon pa sa alkalde, ang pamahalaang lungsod ay laging nakaalalay sa mga mamamayan kahit noong wala pa ang pandemya ay higit lalo sa ngayon na ang bansa ay patuloy na kumikilos mula sa health emergency situation na dala ng COVID-19.

Binigyang diin ng alkalde na kailangan na tiyakin na ang mga nabanggit na benepisyo ay maibigay sa mga estudyante, kung saan hinihikayat nitong gamitin sa kapaki-pakinabang tulad ng educational needs, pagkain at iba pang pangangailangan.

Sinabi pa ni Moreno na ang dahilan ng nasabing probisyon ay upang makatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na gastusin tulad ng pamasahe at dahil wala ng face-to-face class ay maaaring gamitin ng mga estudyante ang nasabing allowance sa ibang paraan o maaari ding ipunin na lang para magamit sa hinaharap.

Ang kabuuuang alokasyon sa college students ay umaabot sa P24, 885,000 habang sa SHS ay nasa P1,207,500. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “3-BUWAN ALLOWANCE SA 9,100 STUDES SA MAYNILA”

  1. 75595 441028Cool blog! Is your theme custom made or did you download it from somewhere? A theme like yours with a few simple adjustements would really make my blog jump out. Please let me know where you got your design. Thank you 95105

Comments are closed.